Friday, June 1, 2007

Timbulan

One of my favorite poems by Joseph T. Salazar, from an old Literary Folio of Collegian. mga bangka tayo
at malawak
na karagatan
ang gabing lumulusong
sa pagitan natin
kumikinang
ang mga alon
sa iyong mata
umiihip
ang malamig
na hangin
sa iyong hiningang
dumadampi
sa aking dibdib
ngunit daluyong
na tataboy sa iyo
ang aking halik
at sa sandaling
sambitin ko
ang "mahal kita"
magiging unos
ang lahat
muli
iiwan mo akong
nakataob sa dilim
nananabik

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails