This will be my first post in Filipino, which I’m a little squeamish about. My lowest grades since time immemorial had always been: Math, PE (I hated sports when I was younger, though I crave for it now), and Filipino. Ask me to read aloud in Filipino and I’d stammer a lot, but ask me to read in English and I can deliver it either with an American or a British accent with no trouble. Nakakahiya! Pero, Waray Waray ako, hindi Tagalog so I never really use Filipino that often. Lusot!!
Ayoko ng lasa ng Beefloaf. Yung Fiesta, alam mo yun? Baon ko kasi yun mula 9 yrs old ako hanggang mag-graduate ako ng Grade Six. Napurga na yata ako. Ewan, masarap naman sa akin yun dati, pero ngayon, amoy pa lang naduduwal na ako.
Isda rin. Pero hindi naman lahat. Isda palagi ang ulam namin noon, kung hindi yung kartun-kartong Karne Norte na padala ni Papa galing Saudi. Mangingisda kasi ang Tiyahin ko kaya meron kami palaging isda. Hindi sa nagrereklamo ako pero subukan nyong ulamin ang isda araw-araw sa siyam na taon at tingnan natin kung di kayo magsawa. Kakatwa, pero gustong gusto ko naman yung lasa ng mga pagkaing dagat tulad ng hipon, alimango (yung may gata), tahong, pusit, at tinapa.
Minsan, isinama akong mangisda noong mga 12 taon pa lamang ako. Madaling-araw pa lang ay sumakay na kami sa fishing boat na naglayag papuntang laot. Unti-unting sumikat ang araw, at sinimulan nilang itapon ang mga lambat sa dagat. Ako naman ay nakaupo lamang sa isang sulok, nanonood sa ginagawa ng mga tauhan.
Makalipas ang isang oras, hinila nila ang lambat pabalik sa pump boat. Daan-daang mga isda at lamang dagat ang nagtatalunan sa sahig. Isa-isa itong pinulot at inilagay sa kahong Styrofoam na may yelo, para daw hindi masira ang mga ito. Inulit pa ito ng ilang beses, hanggang mapuno ang lahat ng mga kahon.
Merong tauhang nagsaing ng kanin, at ang ulam namin ay inihanda ng aking tiyuhin. Namili sya ng ilan sa mga buhay na isda, at iyon ay nilinisan at ibinabad sa suka at mga rekado. Doon ko unang natikman ang Kinilaw. Pati ang pusit na ibinabad lang din sa suka ay pinatikim sa akin. Gabi na ng kami ay dumaong (at ako ay amoy pusit na rin).
Kahit hanggang nagkatrabaho na ako, gustong-gusto ko pa rin ang mga pagkaing dagat. Naalala ko noong minsang kumain kami sa Circles sa Shangri-La Makati, bilang handa ng boss namin dahil sa bagong account na kasing laki ng Sprint PCS.
Pabalik-balik ako sa seafood dishes. Ibat-ibang luto ng mga pagkaing dagat: baked scallops, indian shrimp dish, cracked crab on ice, grilled salmon, at seafood pasta. Dalawang oras na yata akong kumakain (himala na hindi ako nagka-LBM), at hindi lamang yun ang sinubukan ko. Pati na steak, lamb chops, mga pastries, mga cakes, crème brule, at tiramisu. At nang malapit ng pumutok ang tiyan ko, pumunta kami sa chocolate fountain at kumain ng isang platong chocolate-covered fruits.
Ah, mabuti na lang walang Fiesta Beefloaf sa Circles!

6 comments:
whoa, Circles...they were r clients b4 sa metal basket/containers namin. I also enjoy seafoods better than eating 4 feet animals, hehehe. Umiiling na si Vegan Mark niyan..heheheh
sobrang Ok itong tagalog post mo! I really like ur posts on ur various visitations (frm angels to d fallen one,hehee) more of it ha!
@ josh: depende sa inspiration yun hehe. Thanks ha!
thaddeus,
tama ka. pasayan,no-os, masag, tipay. the best.
@ anonymous: That's the Leyteno in us speaking ; )
As a full pledge Waray Waray your Tagalog is conveyed much clearer than most of the people I know. My son and nephew cannot even utter a single word. No wonder your mind is not languid. Could it be that a diet of ocean food brought out the best in you as high level of mercury must be running thru your bloodstream by now! LOL
@ jimg29: Baka iodine ; ) hehe
Post a Comment