Hindi ba nakakatawa, na maraming Pilipinong gustong pumunta ng America? Isa na ako dun. Nung nagbakasyon kasi yung mga kapatid ko, wow! As in bago lahat ng gamit. Abercrombie & Fitch shirts (i-narbor ko agad!), Gucci na relos (i-narbor ko din!), pabango, at maski US Navy na shorts i-narbor ko na rin (LOL!).
Amoy America pa yung mga gamit na yun. Ang impression ng tao dito, pag galing US mayaman. Ang brother ko, nagtrabaho sa mall sa isang Candy Shop ng isang Vietnamese. Tapos nun nag janitor sa ospital kung saan nurse si Mama. Si Papa naman Nursing Aide sa isa pang ospital (Med Tech siya dito pero sa US kailangang mag-exam uli, ayaw pa ni Papa). Di ko lang naisip hanggang nabasa ko yung bulletin na yun na mahirap talaga ang buhay doon. Di pwedeng tambay. Puro utang mula gasolina para sa sasakyan, hanggang pagkain- at ang utang dapat bayaran sa tamang panahon. Kundi may multa.
Nung makita ko yung mga litrato nila sa Louisiana- ang ganda ng bahay! Yung mga furniture sa mga rooms, yung kitchen super modern, yung dalawang kotse sa garahe (wala kami ni pedicab dito sa Pinas!)… Sabi ko, as in kakarerin ko na talaga ang Nursing para ako na ang kasunod na makakapunta. Di ko naisip utang pala yung mga yon. Mas OK pa rin buhay dito.
Teka lang, magkano ba sweldo ng nurse dito sa Pinas? Sobrang liit! Ayoko ngang i-mention kasi nakaka-depress… Minsan tuloy naiisip ko kung mali na nag-resign ako sa dati kong trabaho para mag-aral ng Nursing. Chika lang, as in iniisip ko lang. Bakit ba kasi sobrang nagma-matter yung sweldo? Para marami akong mabili? Wala rin naman akong masyadong naipon dati.
Hmm, pag-iisipan ko pa. Ayan, I was just thinking out loud. Eto po yung bulletin na sinasabi ko:
Akala ng mga tao na nasaPilipinaskapag nasa Amerika o Canada ka akala nila madamika nang pera. Ang totoo, madami kangutang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit.
Kailangan mo gumamit ng credit cardpara magka credit history ka, kasi paghindi ka umutang o wala kang utang,hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano.Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman kana kasi may kotseka. Ang totoo, kapag hindi ka bumiling kotse sa Amerika maglalakad ka ngmilya-milya sa ilalim ng init ng araw okaya sa snow. Walang jeepney, tricycle opadyak sa Amerika at Canada.
Akala nila masarap ang buhay dito sa Amerika at Canada. Ang totoo puro ka trabaho kasipag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, creditcard, ilaw, tubig, insurance, bahay atiba pa. Hindi ka pwedeng tumambay sakapit bahay kasi busy din sila maghanapbuhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala kang pictures mo sa Disney, Seaworld, SixFlags, Universal Studios, Niagra Falls at iba pangattractions. Ang totoo kailangan mongngumiti kase nagbayad ka ng $70+ paramakarating ka dun, kailangan mo naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na kinikita mo kasidolyar na sweldo mo. Ang totoo malakipag pinalit mo ng peso pero dolyar dinang gastos mo sa Amerika at Canada. Ibig sabihin,ang dolyar mong kinita sa presyongdolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 nasardinas sa Pilipinas, $1.00 sa Amerika at Canada, ang isang pakete ng sigarilyosa Pilipinas P40.00. sa Amerika at Canada $6.50,ang upa mo sa bahay na P10,000.00 sa Pilipinas, sa Amerika at Canada $1,000.00++
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasiang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin alipin ka ng bahay at kotse mo.Madaming naghahangad na makarating sa Amerika at Canada, lalo na mga nurse. Mahirap maging normal na manggagawa dito, madalas pagod ka sa trabaho.
10 comments:
nakakarelate ako dito!
;)
mabasa sana to ng mga nakakatanda kong kapatid! amen to mink...
ppnta prin ako sa estet
my sis is in NY now. i just wish she comes home. ok naman sya dun. i'm just scared for her kasi magisa lng sya. our relatives are far from her.
sana worth mga sacrifices nya dun. i just hope and pray she has a better future there.
i hope you'll have a better future too thad. ingats ka plagi=]
yun din sabi ng mom ko..
mahirap daw dun.
bawal ang tamad
You can say exactly the same for Australia. If anything, at least we get duly rewarded for our hard work.
wow thadie! dami mong material blessings sa mga utol mo! Camera na pangarap mo (katulad ng kay coldman at Holy Kamote,) sana maambunan ka din!
I feel na happy ka ngayon sa life mo (w/ school, ur published book/s ehem, at mga outreach program)!
yeah hirap talagang kumayod pag na sa ibang bansa. My parents had just concluded their 3 mos stint sa US (courstesy of my aunt) and talaga daw nakakabato at magastos at mamahal lahat ng bilihin! Pero pag sinabi naman daw SALE o BUY ONE TAKE ONE, as in talaga daw SALE!!!! (Unlike d2 sa pinas na sale daw pero kamamahal pa rin. :-( coo...
hello thad! i've missed reading your blog. your thoughts always entertained me you know:-)
just wanted to say hi. been absent from the st. scho circuit for a year now. you might not recognize me, i'm sooo pregnant. but will be giving birth this month:-) my contribution to the gene pool.
so, will you still go to america and be a nurse?
this is ma'am jan:-)
kung makakapunta at makakapgtrabaho ka dito sa america bilang nurse, maganda ang magiging buhay mo. mahirap ang buhay kung marami kang gustong materyal na bagay. but kung simple lang ang pangangailangan mo, bilang nurse maganda talaga dito.
ako, mag-2 years na dito sa july, jobless pa din, hindi pa rin matanggap ng ego ko na magtrabaho ng kung ano-ano lang. mahirap mag-adjust kung masarap ang buhay mo sa Pilipinas. ngayon pa, recession dito. america is not the best country to live. i suggest you try Canada or maybe some European countries? I would love to go to Denmark. Nice blog by the way.
tama lahat ng sinasabi ni thad.nandito rin ako sa merika. linalabanan ang lungkot at pangungulila sa piling ng mga mahal sa buhay para makahanap ng pera. pero, na realize ko, ano ba talaga ang role ng pera sa buhay ko? nung nasa pinas pa ako, hindi kalakihan ang sweldo ko pero napagkasya ko naman. WALA PA AKONG UTANG! ngayon dito sa USA, andami kong utang. gusto ko nang mabayaran lahat para maka uwi na!!! Doctor naman ako dyan.
Post a Comment