Showing posts with label Poetry. Show all posts
Showing posts with label Poetry. Show all posts

Wednesday, April 16, 2008

Para sa Isang Manlalakbay

ni NTG

Minsan sa isang buhay,
puso ay mabibighani
Kung di man mapapasaya,
sana'y di magdadalamhati.

Kung ikaw man ay isang manlalakbay
na napadayo kahit pansamantala
sana'y iyong alalahanin
damdaming iyong napipinsala.

Ang pag-ibig ba'y ganyan,
minsan dulot ay lungkot?
Minsan nama'y sa isang ngiti lamang
napapawi ang pagkasalimuot.


Sa aking mga paggugunita,
mayroong isang manlalakbay
Pagbabalik ay pinakahihintay,
pag-ibig at puso ay nakasalalay.

Sunday, February 3, 2008

The Hanged Man

The Hanged Man
by Thad Hinunangan
I hang beneath these gallows
Naked and wounded,
I bid thee to ease my pain.
The wintry air chills my bones
And the moon mocks my misery.

Oh, how I ache for you.
Wash my wounds,
Take me into your arms,
And comfort me.

The hour is late,
And the birds have ceased to sing.
There is only silence,
And darkness.

Under the fading stars
I tremble.
I whisper your name
On my last breath,
As I finally closed my eyes.

Friday, June 1, 2007

Timbulan

One of my favorite poems by Joseph T. Salazar, from an old Literary Folio of Collegian. mga bangka tayo
at malawak
na karagatan
ang gabing lumulusong
sa pagitan natin
kumikinang
ang mga alon
sa iyong mata
umiihip
ang malamig
na hangin
sa iyong hiningang
dumadampi
sa aking dibdib
ngunit daluyong
na tataboy sa iyo
ang aking halik
at sa sandaling
sambitin ko
ang "mahal kita"
magiging unos
ang lahat
muli
iiwan mo akong
nakataob sa dilim
nananabik

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails